Pilit kong limutin
ang nakaraan
Upang harapin ang
nalalapit na kinabukasan
Ako’y humihingi ng
kapatawaran
Dahil masakit ang
mawalan.
Labis akong
nagmamahal
Ngunit walang
matanggap na parangal
Sinubukang kunin
ang atensyon
Upang ako’y iyong
mapansin.
Ako’y
pagpasensiyahan at hayaan
Kailangan ko itong
gawin
Sapagkat ito
lamang aking hangarin
Nais ko itong
mapagtagumpayan.
Nauuhaw ako sa
pagmamahal
Sa mga taong ako’y
mahalin din
Walang magawa
kundi magpatuloy
Sa misyong aking
napagplanuhan.
Patak ng bawat
luha ko
Nais kong
maramdaman mo
Bawat pintig ng
aking puso
Tinatawag ang
iyong pangalan.
Malungkot na
nakaupo sa gilid
Mga tala’y aking
minamasdan
Kahit ano na lang
ang iniisip
Parang isang baliw
sa lansangan.
Gagawin ang lahat
ng makakaya
Kahit anong
mangyari’y lalaban ako
Kung alam mo lang
sana
Tanging pag-ibig
mo lang aking kailangan.
No comments:
Post a Comment